Tuesday, September 1, 2009

FUNNY PINOY WORDS --- NEW!!!


Oh my gawd! These are sooo funny! Heard them on the radio over the weekend! 
They're just hilarious! Are they real words ba? 


TAGITGIT --- tira-tirang kanin na tumutong at dumikit sa kaldero.

KAWAGISNONOK --- mamantikang kawali na ginisahan ng adobong manok.

BULATIK --- makapal na sebo ng lumamig na bulalo.

SEBUTIKACHI --- matinding sebo ng mga pinggan na ilang araw nang di nahugasan.

KALPUCHICHO --- amoy ng pocherong napanis sa kaldero.

BAGULANTUTAY ---- amoy ng bagoong na dumikit sa platito.

BUGOGOK --- amoy ng itlog na nabugok sa mongkok.

MASANGTOT --- amoy ng kalderetang dalawang linggo nang umaalingasaw sa llanera.

BULABLENDAY --- sabong nagbi-blend sa disenyo ng plato.

BAREKLONG --- sabong naiwan sa labi ng baso.

KUGIDGID --- sabong natira sa gilid ng kutsara.

KUKULATINI --- sabong naipit sa kulamoy ng tinidor.

Wednesday, January 21, 2009

Mga Kakaibang Salitang Pinoy


BAKTOL - ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kilikili na naunuot sa ilong

KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng b0obs kadalasan sa may malaking joga

BICHO - libag sa likod ng tenga 

PUCHI - libag na naso-scoop sa loob ng pusod

MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal


BURNIK -  taeng sumabit sa buhok sa puwet... kadalasan nangyayari sa mga taong nagti-tissue pagkatapos umebak

AGIHAP - libag na dumikit sa underwear 

DUKIT -  amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwet 

JABAR - amoy ng pawis ng katawan o kili-kiling pinawisan

DUGOCHI -  amoy ng mabahong panty kasi may mens 

KURIMAOT – amoy ng pawis na natuyo sa damit

BUGOK - super bahong itlog 

KALPUCHICHO - pocherong napanis

SPONGKLONG -  tawag sa isang estupidong tao

WENEKLEK -  tawag sa buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mag tambay sa kanto na laging nakahubad 

BARNAKOL -  maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

ASOGUE -  ang tawag sa buhok sa kili kili

BAGUTUTAY - amoy ng mabahong bagoong

MASANGTOT –  amoy ng umaalingasaw na panis na ulam 

BAKTUNG – pinaikling salitang BAKAT-UTONG

BAKTI - pinaikling BAKAT-PANTY

BURAKEKE – ito ang amoy ng underwear na dalawang beses na sinuot

BULTOKACHI - ang tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak

KAWAGAK - mamantikang sebo

KACHICHAS– amoy ng mabahong paa o medyas

LUPAKMA - amoy ng panyong ilang beses nang nasikmahan ng sipon

ALIMUOM – amoy ng basang pantaloon na pinalantsa

KASIKASI - amoy kili-kili na nakakasuka

ANGHIT - mabahong amoy ng katawan na parang amoy ng aso

BANSIW - super bahong kili-kili

ANGOT - amoy pawis. pwede ring ANTOT. o BANTOT. 

APIS - amoy lansa. yung parang isdang nabulok sa baunan

SUKBOL - sebo ng bulalo 

TILOK - tawag sa libag sa likod ng tuhod

BUTUYTUY - etits ng bata

PUTUTOY - etits na maliit

DAKOTA - etits na malaki

BURAT - ulo ng etits

BULABLENDAY - sabong natira sa plato

TARUGO - etits na super dakota

BARNAKLE - ito ang libag sa leeg

MCARTHUR - taeng bumabalik pagkatapos i-flash

TAGITGIT - mga tira-tirang kanin na dumikit sa kaldero





Friday, January 9, 2009

Miss Gay Q&A -Miss Titimo Suboko


Sa isa  namang Miss Gay sa Bohol... 

Host: Now, let's welcome candidate number 2. Miss Titimo Suboko. 

Miss Japan daw kasi siya, kaya ganun ang pangalan nya. At nung natawag ito'y dali-dali sumenter-stage ang lola. 

Host: Hi Titi-mo! 

Titimo: Excuse me. It's Titimo. Titimo Suboko. 

Host: Okay. Titi-mo. Here's your---

Titimo: Titi mo rin! Wala akong titi noh! (Tapos biglang kumanta ala-Britney) I'm not a girl, not yet a woman... (tapos biglang nag-drama mala-Ate Guy) BUT I AM DEFINITELY NOT A MANNNNN! Leche! 

Sabay walk out. In a swimsuit. 

Thursday, January 8, 2009

Miss Gay Q&A -Queen Nefirtiti


Sa isa namang Miss Gay sa Gensan... 

Host: Okay, Miss or rather Queen Nefirtiti, here's your question. If you were given a chance to talk to the President of the Republic of the Philippines... 

Mega-smile lang siya sa host at kumaway-kaway sa crowd habang binabasa sa kanya ang question. 

Host: ...what would you tell her? 

Queen Nefirtiti: Oh, that's a really terrific question. Well... I believe... Ah... Oh, I'm so sorry... What's the question again? 






Wednesday, January 7, 2009

Miss Gay Q&A -Miss Nipol Kidman


 Sa isang Miss Gay sa Cebu...

Host: Please welcome, candidate number 1. Miss Nipol Kidman. 

Lumakad ang kandidata patungo sa bagitong host. Nagulat si host sa laki ng bo0bs nya. Parang kasing-laki kasi ang mga ito ng papaya, pwera biro. 

Pero mas nagulat sya nang nakita ang nakabakat nitong mga utong. As in utong kung utong. Bombastic talaga. Kaya si host, hindi napiligilan ang sarili. Sabi nya, 

Host: Hi Nipol. (sabay tingin sa bo0bs) 

Nipol: Hey kid. Look at you now, you're a man! 

Nahiritan si host kaya dumerecho na lang sya sa Q&A. 

Host: Okay Nipol, here's your question. What is your favorite bra color? 

Aba, pati ba naman sa question tungkol pa rin dun. Si host talaga o... Nagmaganda tuloy si Nipol.

Nipol: Ah... fuchsia pink. 

Host: Oh, nice color. Can you spell it for us please? 

Nipol: Ay... ay... red nalang. 

Nakabawi rin si host. 



Tuesday, January 6, 2009

Rich ako.


Sa labas ng Insular Building sa Makati, may nadaanan akong babaeng nagwawala sa cellphone. Para siyang may kaaway sa kabilang linya. Huminto ako. Nagsindi ng yosi. At kunyaring nanigarilyo malapit sa kanya. 

Ang pagkakadinig ko...

Girl: Hoy! Hindi ko kailangan ng pera mo! Anong akala mo sa akin? Poor? Marami akong pera! Lahat kaya kong bilhin! Pati ti--

Tahimik lang ang kausap nya. 

Girl: Hello? Hello. Helloooooo... Andyan ka pa ba? Hoy! Anuba. Ay, wala na pala akong load. 

Monday, January 5, 2009

Pizza Pie.













Sa isang bus na sinakyan ko, nagkasabay ang dalawang magkumpare. 

Pare 1: Uy pare! Long time, no see ah. Pa-Cavite ka rin? 

Pare 2: Oo pare. Ano yang bitbit mo?

Pare 1: Ah eggpie galing Goldilocks. Pizza sana bibilhin ko, kaya lang naubusan daw sila. 



Sunday, January 4, 2009

Hindi ako jologs.

Araw ng Linggo. Nakapila ako sa movie ticket counter ng Trinoma kasama ang ilang kabarkada.

Kakaiba ang MMFF ngayon. Dinumog ng napakaraming tao. Siksikan to the max. Mukhang atat na atat ang lahat manuod. Samu't saring mga tao ang andun --- lalaki, babae, kloseta, pa-mhin, pa-girl, becky, butch, femme. May mag boyfriend, may mag-girlfriend. May bata, may matanda. Nakakatuwa. At minsa'y nakakatawa rin lalo na kung ganitong eksena ang maririnig mo mula sa dalawang babae na nasa likod mo...

Girl 1: O, ano papanuorin natin?

Girl 2: Maganda raw yung Desperadas. Andun si Ogie. 

Girl 1: Ang jologs naman nun! Iskul-Bukol nalang! Andun pa si bossing! 






Saturday, January 3, 2009

Cementery.



Araw ng Undas. 

Na-trapik ang sinasakyang dyip ng mag-ina dahil napadaan ito sa isang sementeryo sa Las Pinas. 

Anak: Ma, ano yan dyan?

Nanay: Golden Haven yan. Sementeryo. 

Anak: Ano English ng sementeryo?

Nanay: Sementeryo, eh di cementery! Doon tinatakpan ng semento ang mga patay! 

Friday, January 2, 2009

Ang Naliligaw na "S".


Isang hapon, nagkakape ako sa Starbucks sa may Araneta nang biglang may lalaking umupo sa table malapit sa'kin. May kausap siya sa cellphone. Parang nagmamadali.

Lalaki: San ka na? Dito na ako sa Araneta. 

 Siguro, sabi ng kausap nya sa kabilang linya, "San sa Araneta?"

 Lalaki: Dito lang, sa may Starbuk. 

 Sagot siguro ng kausap nya, "San banda yan?" 

 Lalaki: Dito lang malapit sa Coffee Beans! 



I smell something birdie.

Pagkatapos kong jumingle sa basement CR ng Megamall ay dali-dali akong naghugas ng kamay, kung saan napansin ko sa may salamin ang isang mamang umiihi. May kasama siyang bata na parang tuko kung makahawak.

Anak: Daddy, patingin.

Daddy: Anak, doon ka lang. 

Pilit sinisilip ng anak ang birdie ni Daddy. 

Anak: Sige na, Daddy. (Sabay dungaw sa may urinal.)

Daddy: Nak, wag ka dito. (Sabay lipat ng birdie nya sa left side ng urinal.) 

Dali-dali ring lumipat ang anak sa kabilang dako ng urinal. 

Daddy: Doon ka 'nak. Dirty dito. (Sabay lipat na naman ng kanyang birdie sa right side, hanggang sa na-ihian nya ang mamang jumijingle rin sa kanan nya)

Katabi: Tsk. Tsk. (Sabay tingin nang masama... sa birdie ni daddy.) 

Daddy: Ay, sori p're! Sori. Sori. (Sabay shake nang kanyang birdie.)

Hindi na namalayan ni Daddy na patuloy pa ring sinisilip ng anak ang birdie nya.

Anak: Daddy, kita ko na! Hihihi

Daddy: Ikaw talagang bata ka.

Anak: Bakit mas malaki pa yung bird ni kuya kaysa sa'yo? 

Daddy: Shhhhhhh. (Sabay hinila si anak palabas ng CR.) 

Naku, sigurado akong lalaking bading ang batang ito. 
99.9%! Pramis. 









Thursday, January 1, 2009

CPA ako.


a.k.a. ChismosoPakialameroAtribido. 

Oo, ganun na talaga ako at kahit buong mundo na ang nagsasabing "Change", hindi ko pa rin talaga magawang magbago. Sorry Obama pero I just can't change. Naks, English! 

Ang totoo nyan eh, hobby ko talaga ito --- mahilig akong makiki-osyoso sa kung anik-anik na anik. Natutuwa ako kapag may nasasagap akong chika mula sa kabilang table habang kumakain sa isang restoran. Lumalaki ang mga tenga ko kapag nasa gitna ako ng maraming tao. Naninilip ako ng text sa loob ng dyip at MRT.  Nakikinig ako sa mga tawag habang nakasakay sa bus at FX. At kapag nakasabay mo ako sa elevator o sa waiting shed, tiyak na mababasa ko ang mga tinetext mo at tinetext sayo. 

Kaya, maniwala ka kay John Lloyd kapag sinasabi niyang "Ingat".  Kasi kung hindi, baka sasakit ang ulo mo kapag napadpad ang iyong mga dialogue rito. 

Well, okay lang din. At least, na-quote ka at na-publish pa! 

Sa blog nga lang.