Friday, January 2, 2009

I smell something birdie.

Pagkatapos kong jumingle sa basement CR ng Megamall ay dali-dali akong naghugas ng kamay, kung saan napansin ko sa may salamin ang isang mamang umiihi. May kasama siyang bata na parang tuko kung makahawak.

Anak: Daddy, patingin.

Daddy: Anak, doon ka lang. 

Pilit sinisilip ng anak ang birdie ni Daddy. 

Anak: Sige na, Daddy. (Sabay dungaw sa may urinal.)

Daddy: Nak, wag ka dito. (Sabay lipat ng birdie nya sa left side ng urinal.) 

Dali-dali ring lumipat ang anak sa kabilang dako ng urinal. 

Daddy: Doon ka 'nak. Dirty dito. (Sabay lipat na naman ng kanyang birdie sa right side, hanggang sa na-ihian nya ang mamang jumijingle rin sa kanan nya)

Katabi: Tsk. Tsk. (Sabay tingin nang masama... sa birdie ni daddy.) 

Daddy: Ay, sori p're! Sori. Sori. (Sabay shake nang kanyang birdie.)

Hindi na namalayan ni Daddy na patuloy pa ring sinisilip ng anak ang birdie nya.

Anak: Daddy, kita ko na! Hihihi

Daddy: Ikaw talagang bata ka.

Anak: Bakit mas malaki pa yung bird ni kuya kaysa sa'yo? 

Daddy: Shhhhhhh. (Sabay hinila si anak palabas ng CR.) 

Naku, sigurado akong lalaking bading ang batang ito. 
99.9%! Pramis. 









2 comments:

  1. Mejo curious tong batang ito! Hmmmmp... Depende nalang kung ilang taon ang batang ito... Pag mga 3-5 eh mejo mapaglarong isip palang walang malisyoso! Pero pag mejo nag-aaral na ito na 7 up ang edad eh either malibog or mapangsilip ang batang ito!!! lol

    ReplyDelete