Thursday, January 1, 2009

CPA ako.


a.k.a. ChismosoPakialameroAtribido. 

Oo, ganun na talaga ako at kahit buong mundo na ang nagsasabing "Change", hindi ko pa rin talaga magawang magbago. Sorry Obama pero I just can't change. Naks, English! 

Ang totoo nyan eh, hobby ko talaga ito --- mahilig akong makiki-osyoso sa kung anik-anik na anik. Natutuwa ako kapag may nasasagap akong chika mula sa kabilang table habang kumakain sa isang restoran. Lumalaki ang mga tenga ko kapag nasa gitna ako ng maraming tao. Naninilip ako ng text sa loob ng dyip at MRT.  Nakikinig ako sa mga tawag habang nakasakay sa bus at FX. At kapag nakasabay mo ako sa elevator o sa waiting shed, tiyak na mababasa ko ang mga tinetext mo at tinetext sayo. 

Kaya, maniwala ka kay John Lloyd kapag sinasabi niyang "Ingat".  Kasi kung hindi, baka sasakit ang ulo mo kapag napadpad ang iyong mga dialogue rito. 

Well, okay lang din. At least, na-quote ka at na-publish pa! 

Sa blog nga lang. 




No comments:

Post a Comment